Friday, November 28, 2008

wala akong maisulat

sa totoo lang hindi ko alam kng paano sisimulan 'tong blog na'to dahilsa mga oras na'to ay wala akong matinong maisip kung ano ba ang isusulat ko dito pero 5 seconds ago e nakaisip ako kung anong magandang ilagay.

una sa lahat ay gusto kong ipakilala ang aking sarili sa inyong lahat. kung paano ba talaga nag simula ang "subang" na taguri sa akin ng aking mga kamag-aral noong ako'y nasa kolehiyo pa.

ako si kimberly villanueva natividad, ako'y dalawampu't-dalawang taon gulang, ako po ay nakatira sa bahay namin at sa darating na disyembre 16 ng kasalukuyang taon ay ipagdiriwang ko ang araw ng aking kapanganakan kaya naman hindi ko man gustuhin na tumanda ng isang taon ay mangyayari't mangyayari pa rin yun dahil hindi ko naman kayang pigilan ang pag-ikot ng mundo sa araw.

ako po ay nagtapos sa isang kilalang unibersidad dito sa aming lugar na may layong apat na kilometro mula sa aming bahay at ayon yun sa kalkulasyon ng aking butihing tatay. nagtapos ako ng kursong narsing noong nakalipas na taon at sa pagpapala ni Lord nakapasa ako ng board exam noong hunyo 2007 subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin ako pinagpapalang magkaroon ng konting pagkakakitaan siguro nga'y hindi ko pa panahon upang mag-shine.

ngayon ay naipakilala ko na ang isang guhit ng aking pagkatao, dumako naman tayo sa usaping "subang". nagsimula ang lahat nang minsa'y nagpagawa ako sa aking matalik na kaibigang si jobelle ng fs account at dahil wala akong oras nung mga panahong iyon ay minabuti ko nang siya na ang gumawa ng lahat. kinuha naman niya ang aking opinyon tungkol sa naisip niyang add at binase niya ito sa pagiging only child ko. naisip niya ang "panganay-bunso" tandem na alam naman nating lahat ang ibig ipagkahulugan nun at dahil sa kagustuhan ko rin maiba sa taguring yon nagtanong siya sa kagandahan niyang nanay kung ano ba sa ibang dialect ang "panganay" na salita pero hindi ko na matandaan kung ano bang dialect ang pinagkuhanan nun basta ang sabi ng nanay niya "subang" at doon na nagmula ang lahat at ang unang-unang tao na tumwag sa akin ng "subang" ay walang iba kundi si gracey na noong una'y ayaw akong maging kaklase dahil ang taas daw ng kilay ko palagi pero siya pa pala ang magiging close ko sa klase.

sana'y hindi kayo nagsisi sa paggugol niyo ng oras at pagsasayang ng laway (kung hindi mo maiwasang magbasa ng maingay) sa pagbasa ng munting kwento ng aking buhay.

hanggang sa muli.